Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Kris Aquino at Mel Sarmiento umalma sa viral Tweet ni Herbert Bautista

“Mr. President Ping, na-inspire din tuloy akong mag-propose. Kaso, sayang… may napili na siya (emojis 3 broken hearts) #TOTGA #KungMaibabalikKoLang.”

Yan ang Tweet noong November ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista na kumakandidatong senador sa 2022.

Ito ang dahilan kung bakit nasabihan siya ng “improper and un-gentlemanlike” ng fiancé ni Kris Aquino na si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mel Sarmiento.

Nag-reak kasi si Herbert sa isang Tweet kung saan kinuwento niya kung paanong naging bahagi si aspiring president Senator Ping Lacson ng kanyang proposal sa kanyang girlfriend noong 2004.

Dahil sa romantic gesture na ito ni Presidentiable Ping para sa ibang tao, nakuha niyang mag-biro about it at nag-repost ng tweet kasabay ng kanyang now-infamous “TOTGA” or “the one that got away” quote.

Bagama’t walang binanggit na pangalan si Herbert na kung sino ang #TOTGA niya at kung bakit tila humihiling siya na #KungMaibabalikKoLang, ay alam naman ng publiko kung sino ang tinutukoy dito ng aktor/politician.

Sila ay naging dating magkarelasyon ni Kris Aquino noon.

Kaagad namang na gets ng mga netizens at naging viral ang Tweet ng actor/politician.

Agad namang tinanggal ni Bistek ang kanyang viral “TOTGA tweet” at humingi ng paumanhin kay Kris.

Sinundan pa niya ito ng isa pang apology Tweet.

“I’m so sorry, I failed to see it coming until it was too late. Alam kong maaalagaan ka nya. And I can see that you’re happier now. Aminado ako, I know I have not been good enough. Still regretting the chance I didn’t take. You deserve better,” ani Herbert.

Pero hindi pa rin pinalampas ng fiancé ni Kris Aquino ang pagkakataon para depensahan ang babaeng nakatakda na niyang pakasalan.

Nagpadala ng official statement si Mel Sarmiento sa Manila Bulletin. Sinabi nito ang mga katagang “improper” at “un-gentlemanlike” bilang patukoy sa ginawa ng dating mayor.

“Although Mayor Herbert Bautista has already taken down his post which obviously referred to Kris, I just wish that this would serve as a reminder that talking about past flames in public is improper and un-gentlemanlike,” ani Mel.

“As a former public servant now seeking a seat in the Senate, he should know better than dragging other people to get public attention. Hindi po showbiz ang Senado. People would appreciate it more if he would talk about his credentials to woo people’s vote,” ani Mel.

Umani ng papuri mula sa mga netizens ang pahayag na ito ni Mel Sarmiento.

Hindi rin pinalagpas ni Kris Aquino ang pagkakataon to give Herbert a piece of her mind ayon sa viral tweet ni Herbert.

Sa kanyang post noong November 20, ni-repost ni Kris sa Instagram ang post ng Manila Bulletin containing the news about Mel confronting Herbert.

Ang sabi ni Kris, madalas daw siyang akusahan na mahilig magpapansin. Pero nagbago na raw siya dahil sa natuto na siya.

“I’ve learned my lessons the hard way – the less you share, the better” ani Kris.

Nabanggit din ni Kris sa kanyang IG post na meron ng date ang kanilang kasal pero sila lang ang nakakaalam at dagdag pa niya na sobrang simpleng event at magugulat talaga kayo dahil walang “Princess Intan” dito, ani Kris.

“Ours isn’t a perfect relationship, but Mel & I really had a great matchmaker na I’m sure is smiling right now in heaven saying- ‘si Mel lang pala ang kinailangan para matuto si bunso kung kailan dapat tumahimik’,” sabi ni Kris.

Binanggit din ni Kris na maayos na silang nagkausap ni Herbert noon. Dito umano niya unang sinabi ang tungkol sa namamagitan sa kanila ni Mel. Kumbaga, that talk should’ve put a period sa pitong-taon nilang uncertain relationship. Kaya bakit tila daw nagbabago ang k’wento?

Naibisto din niya tuloy na may bagong nobya pala ngayon ang dating mayor. Nakiusap si Kris kay Herbert na pag-usapan na lang ang kanyang present relationship at hindi ang nagdaan nila. At dagdag pa nito na huwag na gamitin ang kanilang nakaraan to gain attention.

“After 7 years of trying but not succeeding, siguro naman kilala mo na ang ugali ko. Kaya kong dumedma kung ako ang ginagamit o naaapakan BUT foul when it’s someone I love & value (in this instance my very soon to be husband na hindi ka naman ginulo o inagrabyado) then papalag ako. I totally agree with what he said, especially because sa survey na nakita ko, within striking distance ka na sa Magic 12- so there’s no need to use our past to gain attention,” paglalahad pa ni Kris.

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *