Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Bulacan kinilalang Top 1 Richest Province ng Local Revenue Generation sa buong Pilipinas

Bulacan kinilalang Top 1 Richest Province ng Local Revenue Genaration sa buong Pilipinas

Buong karangalang tinanggap ni Gobernador Daniel R. Fernando ang parangal na iginawad sa ginanap na Bureua of Local Government Finance (BLGF) Stakeholders’ Recognition Program, sa ilalim ng Department of Finance noong ika-14 ng Disyembre 2021 na idinaos sa Royce Hotel Clark Freeport Zone, Mabalacat City, Pampanga.
Sa hanay ng 81 lalawigan sa buong bansa, kinilala ang Lalawigan ng Bulacan bilang Number 1 Performing Province na may pinakamataas na nakolektang local revenues ayon sa memorandum ng Bureau of Local Government Finance (BGLF) (Department of Finance) nito lamang buwan ng Disyembre, 2021.
“Nakatataba ng puso ang katotohanan na ang pagkilalang ito ay naganap sa kasagsagan ng panahon ng pandemya ng taong 2020,” saad ng Gobernador.
Umabot sa PHP1.72 bilyon ang naitalang kita ng lalawigan mula sa mga koleksyon sa buwis ng real property tax, local business tax, regulatory fees, at iba pang buwis mula sa mga operasyon ng lokal na mga negosyo.
Ibinahagi ng Gobernador sa panahon ng pandemya kung saan maraming negosyo ang nagsasara, sa lalawigan ng Bulacan ay naitala ang record-breaking na pagbubukas ng mahigit 7,000 new businesses, kabilang dito ang mga online businesses at iba pang essential services sa panahon ng pandemya.
“Patunay ito sa likas na kasipagan at pagkamalikhain ng mga Bulakenyo.”
Sa kauna-unahang pagkakataon naging Numero Uno ang lalawigan sa aspeto ng Local Revenue Generation, sa kabila ng matinding krisis na pinagdaraanan ng lahat.
Aniya, “Papuri sa ating Makapangyarihang Diyos na siyang gumabay sa ating pamamahala at nagbasbas sa ating pagtutulungan sa panahon ng pandemya.” 
“Nais ko pong ipahatid ang taos-pusong pasalamat sa ating mga Bulakenyo taxpayers sa kanilang pagiging responsable at mabuting mamamayan” dagdag ng Gobernador Fernando.
“Ang karangalang ito ay ibinabalik ko sa bawat mamamayang Bulakenyo na sa kabila ng mga pagsubok ay araw-araw na bumabangon at nagsisikap para sa kaniyang pamilya.”
Nagpasalamat ang Gobernador Fernando sa pagtitiwala sa pamamahala sa kanya sa lalawigan at nangako na  titiyakin ang pagkilalang ito ay magbubunga ng ibayong kaunlaran at lalong mabuting serbisyo para sa kanyang mga kababayan.”
(Gobernador Daniel Fernando)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *