Personal na nagbigay ng kanilang taos pusong pasasalamat ang mga Magaleños na naoperahan sa mata kay Mayor Romulo Pecson umaga ng Lunes, Sept. 13, sa opisina ng alkalde.
Layunin ng Pamahalaang Bayan ng Magalang sa ilalim ng administrasyong Pecson na matulungan ang mga Magaleños na nangangailangan ng tulong medikal lalo na ngayong panahon ng pandemya.