Simula Agosto 4, ilulunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Mabalacat, sa pangunguna ni Mayor Geld Aquino at ng City Health Office, ang School-Based Immunization (SBI) program sa lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod.


Ang programang ito, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd), ay naglalayong bigyan ng proteksyon ang mga mag-aaral laban sa Measles-Rubella (MR), Tetanus-Diphtheria (Td), at Human Papillomavirus (HPV).
✅ Grade 1 at Grade 7 students: MR at Td vaccines
✅ Grade 4 (female) students: HPV vaccine
Ang pagbabakuna ay isasagawa alinsunod sa itinakdang dosage at iskedyul ayon sa national guidelines.
“Libre, ligtas, at epektibo ang bakuna. Inaasahan natin ang mas mataas na bilang ng mga magpapabakuna ngayong taon. Sa ating mga magulang, guro, at mag-aaral—makilahok po tayo sa kampanyang ito para sa kalusugan ng bawat bata,” ani Mayor Aquino.











