Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Pulis Bulacan, may bagong hepe

Opisyal nang naupo si PCol. Rommel Javier Ochave bilang bagong hepe ng Bulacan Police Provincial Office.

Sa isang pahayag, sinabi ni Ochave na ipagpapatuloy niya ang maigting na kampanya laban sa ilegal na droga at terorismo.

Pinangunahan ni PCol. Rommel Javier Ochave (kanan) ang command conference matapos ang pag-upo bilang bagong talagang Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office. (PIO Bulacan PNP)

Sisiguruhin din niya ang isang mapayapang eleksyon sa Mayo 2022 sa buong lalawigan.

Kaugnay nito, kaagad niyang pinangunahan ang paglalatag ng checkpoint sa mga kritikal na lokasyon sa Bulacan bilang pagsisimula ng 150 araw na nationwide gun ban na nagsimula noong Enero 9 at matatapos sa Hunyo 8.

Si Ochave ay nabibilang sa Philippine National Police Academy Class of 1996.

Bago ang naturang posisyon ay naging hepe muna siya ng intelligence division ng Criminal Investigation and Detection Group. (PIA 3)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *