Pinasalamatan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga ang dedikasyon at serbisyo ng mga Barangay Tanod, na itinuturing na unang responders sa tuwing may kaguluhan, sakuna, o pangangailangan sa kanilang mga komunidad. Sa isang espesyal na pamaskong programa, pinangunahan nina Governor Lilia “Nanay” Pineda, Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, at Former President at 2nd District Congresswoman Gloria Macapagal Arroyo ang personal na pangangamusta at pagkilala sa mga tanod ng lalawigan.













“Kung wala kayo at ang inyong malasakit, hindi po magiging payapa ang ating mga barangay,” pahayag ni Governor Pineda.
Bilang pagpapakita ng pasasalamat, tumanggap ang bawat tanod ng P2,000 cash assistance, mga essential items gaya ng panty at brief, at dagdag pang pamaskong handog tulad ng hotdog at manok.
Dumalo rin sa aktibidad sina dating Congressman Mikey Arroyo, Board Members Fritzie David Dizon, Atty. Claire Lim, Sajid Eusoof, JC Cruz, PSWDO Officer Fe Manarang, at mga kawani ng PDRRMO, PTO, at GSO.
Ayon sa Kapitolyo, maliit na regalo man ang naibigay, simboliko itong pagpupugay sa malaking ambag ng mga barangay tanod sa kaligtasan, katahimikan, at kaayusan ng bawat pamayanan sa Pampanga.
📸 Pampanga PIO | Daniel Ombina










