Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

UNANG SESSION SA 2026

Isinagawa ang kauna-unahang regular session ng Sangguniang Panlalawigan ng Pampanga para sa taong ito sa pamumuno ni Vice Governor Dennis “Delta” Pineda.

Sa nasabing sesyon, masinsinang nirepaso ni Vice Governor Pineda kasama ang mga chairperson ng iba’t ibang komite ang mga panukalang resolusyon na magsisilbing gabay at direksyon ng mga programa at inisyatiba ng Pamahalaang Panlalawigan ngayong taon.

Ilan sa mahahalagang resolusyong naaprubahan ay nakatuon sa pagpapatibay ng kapayapaan at kaayusan, pagsusulong ng sustenableng kaunlaran, pagpapalakas ng kahandaan sa sakuna, at pagbibigay-lakas sa sektor ng kabataan.

Kabilang dito ang Proposed Resolution No. 568 na nagbibigay-pahintulot sa reprogramming ng procurement ng mga tactical drone upang higit pang mapalakas ang peace and order at anti-drug operations sa lalawigan.

Inaprubahan din ng Sanggunian ang Proposed Resolution No. 569 na nag-aampon sa Local Development and Investment Program (LDIP) 2026–2028 bilang malinaw na blueprint para sa tuloy-tuloy at inklusibong kaunlaran ng Pampanga.

Pinagtibay rin ang Proposed Resolution No. 570 o ang Rehabilitation and Recovery Plan 2026–2028 upang palakasin ang mga hakbang ng lalawigan sa rehabilitasyon at pagbangon mula sa epekto ng mga nagdaang bagyo at pinalakas na habagat.

Samantala, sa pamamagitan ng Proposed Resolution No. 572, binigyan ng awtoridad si Governor Lilia “Nanay” Pineda na makipagkasundo sa Commission on Population and Development–Region 3 (CPD-R3) upang higit pang mapahusay ang mga programang pang-populasyon at kaunlaran sa lalawigan.

Inaprubahan din ng Sanggunian ang Proposed Resolution No. 638 na nag-eendorso sa Provincial Youth Development Plan (PYDP) 2026–2028, isang mahalagang hakbang para sa kapangyarihan, partisipasyon, at pag-unlad ng kabataang Kapampangan.

Sa unang sesyon pa lamang ng taon, muling pinagtibay ng Pamahalaang Panlalawigan ang pangako nito sa maayos na pamamahala, matibay na pagpaplano, at isang mas ligtas at mas maunlad na Pampanga para sa lahat.

📸 Pampanga PIO | Daniel Ombina

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *