Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

ZPPO bumisita kay Gob. Ebdane

Bumisita kamakailan ang mga opisyal ng Zambales Provincial Police Office (ZPPO) kay Governor Jun Ebdane bilang bahagi ng patuloy na koordinasyon upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lalawigan.

Pinangunahan ni Provincial Director PCOL Benjamin P. Ariola ang courtesy visit, kasama ang iba pang opisyal ng kapulisan. Layunin ng pagbisita na ipakilala ang mga bagong talagang hepe ng pulisya, head officers, at personnel ng Philippine National Police na magsisilbi sa iba’t ibang bayan sa Zambales.

Sa nasabing pulong, ipinahayag ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales ang buong suporta nito sa hanay ng kapulisan sa kanilang mandato na tiyakin ang kaligtasan at kapakanan ng mga Zambaleño. Binigyang-diin ni Governor Ebdane ang kahalagahan ng patuloy na ugnayan at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at PNP upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at mapayapang lalawigan.

Sa pamamagitan ng mas pinaigting na koordinasyon, patuloy na pinatitibay ang kapayapaan at kaayusan sa buong Zambales.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *