Hindi na problema para sa mga taga-coastal Barangay Bancal Pugad, Lubao ang suplay ng tubig. Sa wakas, mayroon na silang water system mula sa Kapitolyo na nagbibigay ng tuluy-tuloy na 24/7 na suplay para sa mahigit 580 pamilya.
Naglaan ang Kapitolyo, sa tulong ni Vice Governor Dennis “Delta” Pineda, ng P7.6 milyon para sa proyekto. Kumukuha ang bagong sistema ng tubig mula sa deep well at pinapagana gamit ang kuryente. May naka-standby ding motor water tanker at overhead tank sakaling mawalan ng kuryente upang tuloy-tuloy ang suplay.






Noong weekend, personal na binisita nina Lubao Mayor Esmeralda Pineda at Konsehal Jayson Pineda-Victorino ang barangay upang kamustahin ang kalagayan ng mga residente. Mula noong Hunyo 2025, 190 sa 250 na kabahayan na ang na-installan ng water meter.
Kasalukuyan ding isinasagawa ang water system sa apat pang coastal barangay—Mabuanbuan at Batang 1st sa Sasmuan, at Candelaria at San Esteban sa Macabebe—kasama ang water testing upang matiyak na ligtas ito bilang inuming tubig.
📸 Pampanga PIO












