Umabot sa halos ₱10-M ang kita ng Street Market Vendors sa nakaraang Fiesta — Mayor Susan Yap

Sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac ang buwan ng Pebrero bilang buwan ng pagmamahal, pagkilala, at pasasalamat, kasabay ng pagbibigay-pugay sa mga volunteer groups at sa tagumpay ng mga vendor na lumahok sa Street Market sa nakaraang Fiesta.

Sa kanyang mensahe, kinilala ni Mayor Susan Yap ang walang sawang dedikasyon ng mga volunteer groups na naglaan ng oras, lakas, at malasakit upang maging maayos, masaya, at matagumpay ang mga nagdaang aktibidad ng Fiesta.

Kasabay nito, binigyang-diin ni Mayor Yap ang malaking ambag ng Street Market sa kabuhayan ng mga maliliit na negosyante matapos umabot sa tinatayang halos ₱10 milyon ang pinagsama-samang kita ng mga vendor — isang record-breaking na halaga para sa selebrasyon.

Ayon sa alkalde, patunay ito na ang mga pagdiriwang sa lungsod ay hindi lamang nagdudulot ng saya sa publiko kundi nagsisilbi ring mahalagang tulong sa pagpapalakas ng lokal na ekonomiya.

Ipinahayag din ng pamahalaang lungsod ang patuloy nitong suporta sa mga programang nagbibigay oportunidad sa maliliit na negosyo habang pinapalakas ang turismo at kabuhayan sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *