Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

TULONG NI NANAY SA MGA NASUNUGANG JEEPNEY DRIVER

Humingi ng tulong sa tanggapan ni Governor Lilia “Nanay” Pineda ang Bulaon San Fernando Transport Cooperative para sa anim (6) nilang miyembro na naapektuhan ng sunog na tumupok sa kanilang mga pampasaherong jeep.

Halos isang linggo nang nawalan ng pasada at pinagkakakitaan ang mga driver matapos tuluyang masunog ang tatlong (3) jeep, habang tatlo (3) pa ang bahagyang nasira.

Bilang agarang tugon, nagkaloob ang Pamahalaang Panlalawigan ng bigas at tulong pinansyal sa mga apektadong miyembro. Inaasikaso rin ang kanilang pagsama sa sustainable livelihood program upang matulungan silang makabangon at muling makapaghanapbuhay para sa kanilang mga pamilya.

📸Pampanga PIO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *