Muling iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng mga reporma sa transportasyon kasunod ng pakikipagpulong sa Department of Transportation (DOTr), na layong mapabilis ang biyahe at mabawasan ang abala sa mga commuter at motorista.


Kabilang sa mga pangunahing hakbang ang pagdagdag ng tren, pagpapalawig ng operating hours ng MRT at LRT, at pagpapalakas ng cashless payment systems. Tinalakay rin ang panukalang limang taong validity ng rehistro ng mga bagong sasakyan, pati ang pakikipag-ugnayan sa mga airline upang mapababa ang gastos sa domestic flights.












