Matapos madiskubre ang isang warehouse na may kaugnayan sa iligal na paggawa ng sigarilyo noong nakaraang linggo, muling pinangunahan ni Mayor Rodencio “Ruding” S. Gonzales ang follow-up inspection upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng batas sa Mexico, Pampanga.
Kasama ng alkalde sina Assistant Regional Director ng DILG Region III na si Jay E. Timbreza, mga kinatawan ng Bureau of Customs, Acting Chief of Police ng Mexico Police Station na si PLTCOL Julius A. Javier, at mga miyembro ng Joint Inspection Team (JIT) ng lokal na pamahalaan.
Ipinapakita ng aktibidad na ito ang matatag na liderato ni Mayor Gonzales at ang seryosong adbokasiya ng Pamahalaang Bayan laban sa mga iligal na operasyon para sa kapakanan ng mga mamamayan ng Mexico.


















