Patuloy ang pagpapatibay ng mga proyektong pangontra-baha sa Masantol matapos personal na inspeksyunin ni LDRRM Officer Paul Vincent Magat ang rehabilitasyon ng slope protection sa kahabaan ng Sapang Maragul, malapit sa hangganan ng Macabebe–Masantol.
Kasabay nito, isinasagawa rin ang konstruksyon ng flood control dike sa Brgy. Sta. Lucia Paguiaba, na kapwa pinondohan mula sa 20% Municipal Development Fund at LDRRM Fund.






Ayon sa LGU, layunin ng mga proyekto na palakasin ang kasalukuyang earthdike upang maprotektahan ang mga kabahayan at residente laban sa banta ng pagbaha.
Sa kabila ng limitadong pondo mula sa pambansang pamahalaan, iginiit ng administrasyon ni Mayor Danilo Guintu ang patuloy na pagsisikap na mabawasan ang epekto ng pagbaha sa bayan.












