Sa pangunguna ni Mayor Jeffrey Luriz, matagumpay na isinagawa ang pre-test ng Hammer Mill na ipinagkaloob sa Masipag na Ortelano ng Buensuceso Arayat Inc. sa ilalim ng Corn Banner Program sa Brgy. Buensuceso.
Kasama sa aktibidad si FCA Chairman Orencio Quiambao, bilang patunay ng sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan at mga samahan ng magsasaka upang mapalakas ang produksyon at kabuhayan ng mga Ortelano.


Ayon sa mga opisyal, ang proyektong ito ay isang mahalagang hakbang patungo sa mas maunlad at modernisadong agrikultura sa bayan ng Arayat—isang konkretong serbisyo na direktang pakikinabangan ng mga magsasaka.
Serbisyong totoo, para sa Ortelano!












