Nagpatupad ang pamahalaang lungsod ng Mabalacat ng libreng sakay services upang matulungan ang mga commuter na apektado ng jeepney transport strike sa lungsod.
Ayon sa Mabalacat City LGU, naka-deploy ang mga sasakyan sa kahabaan ng MacArthur Highway, mula Xevera sa Barangay Dolores hanggang Shell Astro Park sa Barangay Lakandula, bilang alternatibong transportasyon para sa mga pasahero.









Nagsimula ang operasyon alas-6 ng umaga at inaasahang tatagal hanggang alas-6 ng gabi upang matiyak ang tuloy-tuloy at ligtas na biyahe ng publiko, lalo na ang mga papasok sa trabaho at paaralan.
Nauna nang iniutos ni Mayor Geld Aquino ang pagpapatupad ng libreng sakay at nakipag-ugnayan sa mga barangay upang madagdagan ang mga sasakyang magagamit.
Malaki ang naitutulong ng inisyatibang ito upang matiyak na hindi maaantala ang araw-araw na biyahe ng mga Mabalacatño sa gitna ng transport strike.












