Nagpatuloy na ang normal na biyahe ng mga jeepney sa lungsod matapos magkasundo ang mga driver at ang lokal na pamahalaan sa isang maayos at produktibong dayalogo.
Inanunsyo ng mga lider ng jeepney drivers na hindi na nila itutuloy ang ikalawang araw ng transport strike, at sa halip ay muling pumasada upang maipagpatuloy ang serbisyo sa mga commuter.


Ayon sa kanila, bunga ito ng bukas na komunikasyon at pag-unawa sa pagitan ng kanilang hanay at ng Mabalacat City LGU, na naglalayong tugunan ang kanilang mga hinaing habang pinananatili ang maayos na daloy ng pampublikong transportasyon sa lungsod.
Dahil sa agarang resolusyon, itinigil na rin ng pamahalaang lungsod ang libreng sakay program simula alas-1 ng hapon ngayong araw.
Ikinatuwa naman ng mga residente ang mabilis na aksyon at koordinasyon ng LGU at mga driver, na nagbigay-daan sa agarang pagbabalik ng normal na biyahe sa Mabalacat City.












