Tarlac Provincial Hospital pinabulaanan ang kumakalat na alegasyon ng kapabayaan

Mariing itinanggi ng Tarlac Provincial Hospital ang mga kumakalat na alegasyon kaugnay ng umano’y kapabayaan sa mga pasyente at iba pang insidente na anila’y walang katotohanan.

Sa inilabas na opisyal na pahayag, sinabi ng pamunuan ng ospital na gawa-gawa lamang umano ang mga paratang at bahagi ng malisyosong pagtatangka ng ilang indibidwal upang sirain ang reputasyon ng institusyon at mga namumuno rito.

Nanawagan din ang ospital sa publiko na maging mapanuri at huwag basta maniwala sa mga hindi beripikadong impormasyon o “fake news,” lalo na kung maaari itong magdulot ng takot at kalituhan sa komunidad.

Ayon pa sa Tarlac Provincial Hospital, ang mga nagpapakalat umano ng maling impormasyon ay mga hindi beripikadong indibidwal o “trolls” na may layuning manira at maghasik ng kaguluhan.

Binigyang-diin din ng ospital na patuloy nilang ipinatutupad ang mataas na antas ng pag-iingat, propesyonalismo, at kahusayan sa pagbibigay ng serbisyong medikal, kasabay ng pagsunod sa itinakdang pamantayan para sa kaligtasan at kapakanan ng mga pasyente.

Tiniyak naman ng pamunuan ng ospital ang patuloy nitong paglilingkod nang may integridad at dedikasyon para sa mga Tarlaqueño at karatig-lugar.

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *