Libreng gamot pang-maintenance pinamahagi sa Magalang
Pinangunahan ni Mayor Romulo “Romy” Pecson ang pamamahagi ng mga libreng gamot pang maintenance sa Barangay San Pedro 2, Magalang, ika-3 ng Marso, 2022.

Dinala at inalapit ang pamimigay ng libreng gamot sa mga baranggay upang mas maraming matulungan dahil sa banta ng COVID-19.

Ito ay parte ng programang pangkalusugan ni Mayor Pecson para sa kanyang mga kabalen.


Kasamang namahagi ng gamot sina Vice Mayoral aspirant at incumbent Councilor Koko Pangan Gonzales, Councilor Tisoy Zemel, Councilor Eller Pecson, Board Member aspirant and Incumbent Councilor Joel Cruz, JD Cruz, Arvy Bondoc Dela Cruz, Vanessa San Miguel Calma, Engr. Roger Santos, Dong Pangan, at Allan Poe Pineda. (Mayor Romulo “Romy” Pecson FB Page)












