Busog na Bata, Handa sa Klase

Mahigit 2,000 mag-aaral sa mga pampublikong elementarya at high school sa Lubao ang nakikinabang sa pinalawak na year-round feeding program ng Pamahalaang Bayan ng Lubao.

Sa pamumuno ni Mayor Esmie Pineda, layunin ng programa na matugunan ang kakulangan sa nutrisyon ng mga bata upang maging mas malusog, aktibo, at handang matuto sa klase.

Personal namang binisita ni Konsi Jay Pineda Victorino ang mga paaralang kabilang sa programa nitong linggo at nakisalo sa tanghalian ng mga benepisyaryong mag-aaral.

Ayon kay Konsi Jay, ang programa ay hindi lamang tungkol sa pagkain kundi isang pamumuhunan sa kinabukasan ng kabataan, dahil walang batang dapat pumapasok sa paaralan nang gutom.

Ayon sa Lubao LGU, 2,040 mag-aaral ang kasalukuyang benepisyaryo ng programa ngayong school year, habang mahigit 1,800 estudyante ang matagumpay na nakatapos nito noong nakaraang school year. Naitala rin ang pagbuti sa timbang, attendance, at pakikilahok ng mga bata sa klase.

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *