Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Kauna-unahang train set para sa NSCR inilunsad

Kuna-unahang train set para s NSCR inilunsad

Pormal nang inilunsad ng Department of Transportation ang kauna-unahang train set para sa North-South Commuter Railway (NSCR) Project Phase 1.

Mula nang unang dumating sa bansa noong Disyembre 2021 mula sa Japan, ito ang unang pagkakataon na ipinasilip sa publiko ang mga tren.

Ito mismo ang bibiyahe mula Tutuban hanggang sa Malolos na kalaunan ay hanggang Clark International Airport sa hilaga, at sa Calamba sa timog.

Bagung-bago ang train set na may 8 na magkakadugtong na mga train cars. Nasa 104 train cars ang aandar sa NSCR Phase 1 o 13 train sets.

Bahagi ito ng nasa P386 bilyon na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency sa NSCR System. Nakahimpil ito sa NSCR Depot sa hangganan ng Meycauayan at Valenzuela.

(Photo: Shane F. Velasco/PIA 3)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *