
“Happy birthday, Madam. Love you so much.”
Yan ang maikli at nakakakilig na mensahe ni Rico Blanco sa kanyang social media account para sa girlfriend na si Maris Racal sa kaarawan niya ngayon.
Eto ang ilan sa mga komento ng kanilang mga fans at followers:
“Ayonnnn ang tamissssss”
“Sana all may Rico Blanco!”
“Yung aside sa mga oppa at Kathniel, sa inyo na lang ako kinikilig kapag nagba-browse online”
Heart emoji naman ang komento ng mag-asawang Chito at Neri Miranda. Bumati din ang ibat-ibang mga celebrities kay Maris.
Marami ang nagulat sa rebelasyon ng singer-actress na si Maris sa kanyang social media account noong Marso 2021 matapos niyang batiin noon si Rico sa kanyang kaarawan.
At nagulat ang mga fans nang mag-reply si Rico Blanco ng: “Hahaha Love you” at doon na nag-simula ang mga ispekulasyon na merong namamagitan sa dalawa.

Nakatrabaho ni Maris si Rico noong May 2019 sa kanyang single na “Abot Langit”. From a simple fan at pagiging vocal ng dalaga sa paghanga kay Rico sa Twitter ay nagkaroon ng daan ang collaboration ng dalawa.
Noong Marso 2021, ang kanilang video na sweet collaboration cover duet na “Brighter than Sunshine” ay nag trending at napansin ng mga netizens ang kanilang chemistry na nagpakilig sa mga fans.
Inamin ni Maris na natakot siya noong una na aminin ang kanilang relasyon dahil sa kanilang age gap. Hindi niya inasahan ang magandang reaksyon ng mga netizens. Nagsimula ang kanilang relasyon bago pa ang pandemya.
Naging madalas silang magka-trabaho at parehas ang hilig sa musika. Nasabi ni Maris na simple si Rico bilang boyfriend at kinikilig siya kapag pinapadalhan siya ng bulaklak ni Rico. Parehas din sila ng “values” pagdating sa pamilya kaya naging “click” silang dalawa.
Napansin din ng mga fans ang pagiging supportive at game ni Rico para kay Maris. Dahil pumayag siya na apat na beses na sumayaw sa TikTok sa ibat-ibang lugar kasama si Maris para sa kanyang music video na “Asa Naman”.
Si Maris, 24, ay isang actress, singer-songwriter, runner-up sa Pinoy Big Brother All In at marunong tumugtog ng ibat-ibang instrumento tulad ng gitara, ukulele, piano at beatbox.
Si Rico, 48, singer, songwriter, multi-instrumentalist, record producer, actor, entrepreneur ay naging frontman ng bandang Rivermaya noong 1994-2007.
Halos 24 years ang gap ng dalawang magkasintahan. (Photos from Instagram of Rico Blanco)












