Allan K umamin na sa relationship status nila ni Ahron Villena
Binasag na ng comedian na si Allan K ang mga speculations kumakalat tungkol sa kanilang dalawa ni Ahron Villena.
Nag-post si Allan K sa kanyang Instagram ng sweet photo nilang dalawa ni Ahron Villena na kinunan sa Boracay, Disyembre 17.
Mga celebrities at netizens ay nag-react ng makita ito.
“haha oo eh iba talaga sya!” ang komento ni Paulo Ballesteros
“Ganda ng nanay @allan_klownz ko, may pag-ibig!!,” yan ang comment ni Gisselle Sanchez na animoy kinikilig.
“Post ka pa nga ng maraming ganyan Jowana para mas maraming manginig sa ingget! Daming miserable. Hindi maka-move on pati ako dinadamay. MORE! MORE! MORE!” yan naman ang komento ni Kate Brosas.

“Ang tamis ng mga NGITI.” ani JPca15
Samantalang si Ahron Villena naman ay nagkomento ng tatlong puso na may like na 170 na lalong nagpakilig sa mga netizens na napapa “sana all” na lang ang mga fans.
Kinabukasan, in-upload ni Allan K ang behind-the-scene video ng kanilang viral photo.
At may caption na… “And now the reveal. It’s a prank!!!” Thank you sa mga pumatol sa earlier posts namin. Isa lang siyang malaking playtime. Peace everyone,” pagbubunyag ni Allan K.
“Hahaha! Daming Maritess naniwala!” sabi ng isang commenter.
“Natakot ka lang ata sa pamalo ni kuya Pao maam allan”
“Hahaha nadali mo kami dun @ allan_klowns. In fairness bagay kayo”
“Walang prank prank totohanan na yan.” dagdag pa ng isang fan.
Ang komedyanteng si Allan K ay nag-celebrate ng kanyang kaarawan kasama na kaniyang mga kaibigan sa isang get away sa Boracay.