Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Bawal ang overloaded trucks sa Pampanga-Delta

Ipinagbawal ni Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda ang pagdaan at pagpasok ng mga “overloaded” trucks sa lalawigan ng Pampanga para sa kaligtasan ng mamamayan at proteksyunan ang mga national, provincial at local roads sa lalawigan.

Para masolusyunan ito, nagkasundo ang mga quarry operators at truckers na sumunod sa mga parameter na ipatutupad ng NLEX katuwang ang Kapitolyo paukol sa bigat ng load na pinapayagang dalhin ng bawat truck.

“Suporta rin po natin yan sa NLEX Corporation sa 33-TON weight limit nito sa Candaba Viaduct habang ito ay nirerepair,” dagdag pa ng Gobernador.

Bilang pakikiisa ng mga quarry operators at haulers, kusa nilang pinaputol ang taas at lapad ng kanilang trucks ayon sa load limits ng Republic Act No. 8794 o ang batas kontra overloading. Isang libong trucks ang pinutulan ng sidings para hindi na makapagdala ng sobrang kargada.

May bagong hauling pass ang ibibigay ng Capitol sa mga sumusunod sa batas.Ang multa sa paglabag ay isang taon na suspensyon sa hauling.

Sa isinagawang coordination meeting ni Governor Delta kasama sina Porac Mayor Jaime Capil, KALAM Head Buddy Dungca, mga opisyal mula North Luzon Expressway (NLEx) Corp., Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), at Highway Patrol Group (HPG).

Nanghingi ng pang-unawa ang gobernador sa plano nitong istriktong pagpapatupad sa Anti-overloading Law of 2000.

Ayon sa kanya, napapanahon na umano para isagawa ng pamahalaang panlalawigan para mapreserba ang mga daan at kalsada sa major thoroughfares at highways.

Napag-alaman na ang mga nasabing overloaded trucks ang isa sa mga sanhi ng regular na pagkasira ng mga daan na nagdudulot umano ng trapiko at minsan ay banta sa buhay ng ilang Kapampangan at motorista.

Sa kasalukuyan, on-going pa rin ang pagsukat at pagputol ng mga “overloaded” trucks sa probinsya bago sila muling makabyahe. (Pampanga PIO)

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *