Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Bulacan, nanatiling Cooperative Capital ng Pilipinas

Patuloy na nanatiling Cooperative Capital ng Pilipinas ang Bulacan dahil sa may pinakamaraming bilang ng mga aktibong kooperatiba na humigit 396,818  at  umaabot sa 17.8 bilyong piso ang halaga ng kooperatiba doble sa naitala noong 2008 at 2009.
  
Iyan ay ibinahagi ni Mariz Carmela Paltao, Cooperative Development Specialist II ng Cooperative Development Authority, sa pagbubukas ng Cooperative and Enterprise Trade Fair sa Waltermart  Malolos kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Kooperatiba.
 
Lumahok ang  20 micro, small and medium enterprises o MSMEs  sa Trade Fair na tatagal hanggang Oktubre 16.
 
Nasa 10,821 na mga trabaho naman ang nalikha mula sa iba’t ibang proyekto at programa na itinaguyod ng mga credit at multipurpose cooperatives sa Bulacan.
 
Ayon kay Jerry Caguingin, Division Head ng Provincial Cooperative and Development Office, ito ang muling pagdadaos ng face-to-face na Cooperative and Enterprise Trade Fair mula nang mahinto ng dalawang taon dahil sa pagtama ng pandemya.
 
Layunin aniya ng trade fair na maitanghal ang tagumpay ng mga MSMEs na sinuportahan ng mga kooperatiba na kanilang kinasasapian.
 
Pangunahin sa mga itinampok ang mga produktong apparel na gawa ng mga kasapi ng Ligas Kooperatiba ng Bayan sa Pagpapaunlad Inc. sa Malolos.
 
At mayroon ding mga dairy products na gawa ng Catmon Multipurpose Cooperative sa Santa Maria gaya ng fresh milk at yoghurt. Iba pa rito ang mga produktong fishball, longganisa at mga handicrafts na sinuportahan din ng iba’t ibang mga kooperatiba.
 
Kaugnay nito, ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Kooperatiba tuwing Oktubre ay pormal na naisabatas sa bisa ng Republic Act 11502. (PIA 3)

Share this post:

Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Posts