Cash assistance para sa Morong senior citizens nagsimula na
Nagsimula na ang house-to-house distribution ng cash gift for Senior Citizens sa iba’t ibang Barangay dito sa bayan ng Bataan sa pangunguna ng mga masisipag na Municipal Social and Welfare Development (MSWD) staff.
Ang programang ito ay sa kagandahang loob ng butihing Mayor Cynthia G. Linao-Estanislao, MD at Sangguniang Bayan, na naglalayong makapag hatid ng cash assistance sa mga lolo at lola.
At para sa mga Senior Citizens na hindi pa nakakatanggap, mangyaring makipag ugnayan sa Municipality of Morong Bataan at sa MSWD.
Dalangin ang mabuting kalusugan sa araw araw at paalala ang mas ibayong pag-iingat lalo sa panahong ito. (Municipality of Morong Bataan)