Central Terminal itatayo sa Bataan Freeport
Pinangunahan ni Gobernador Albert “Abet” Garcia at mga lokal na opisyal ng Bataan at ng Hausland Development Corporation ang groundbreaking ceremony at time capsule-laying para sa itatayong Central Terminal ng Freeport Area of Bataan (FAB) ay ginanap noong Huwebes, ika-7 ng Abril.
Ang nasabing proyekto ay sinimulang balangkasin ng dating alkalde ng Mariveles, Bataan na si Atty. AJ Concepcion katulong ang Authority of Freeport Area of Bataan (AFAB) at Hausland.
Maisasakatuparan na ang matagal na minimithing central terminal na malaki ang maitutulong para sa mas maayos na daloy ng trapiko bilang paghahanda sa pagpasok ng mas marami pang oportunidad.
Ito ay umpisa lamang ng mas malaking proyektong na ipapasok sa nasabing bayan na tatawaging FAB Central dahil bukod sa pagiging transport terminal ay mayroon din itong commercial mall, heritage tourism spot, BPO companies, at mga interim dormitories na maaaring gawing hotel at reacreation areas.
Nakasama sa nasabing seremonya sina Vice-Governor Cris Garcia, Bataan Second District Rep. Jose Enrique “Joet” Garcia III, Hausland Group President and Chairman Wilfredo Tan, Hausland Group CEO Atty. Christopher Ryan Tan, AFAB Administrator Engr. Emmanuel Pineda, AFAB Deputy Administrator Alewijn Aidan Ong, Bokal Popoy Del Rosario, Mariveles Vice-Mayor Lito Rubia, Councilor Angel Sunga, at dating Mariveles Mayor Atty. AJ Concepcion. ( Gov. Abet Garcia FB)