Nagsagawa ng information drive ang Department of Agriculture o DA sa lalawigan ng Tarlac.
Dinaluhan ito ng mga municipal at city agriculturist kasama ang Rice Report Officer ng bawat lokal na pamahalaan sa probinsya.
Sinabi ni DA Rice Banner Program Focal Person Lowell Rebillaco na inaasahang madagdagan ang kaalaman ng mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaan patungkol sa mga programa at proyekto ng ahensya sa pamamagitan ng aktibidad.
Aniya layunin nito na magkaroon ng pantay pantay na kaalaman ang mga representante pagdating sa pagsasagawa ng distribusyon ng binhi at abono at maging sa iba pang proyekto ng ahensiya para sa mga magsasaka.
Samantala, pinasalamatan ni Provincial Rice Report Officer Jenelyn Guillermo ang ahensiya sa agaran nitong tugo at tulong sa lokal na pamahalaan.
Pahayag ni Guillermo, naging mabunga ang konsultasyon na isinagawa dahil nagkaroon ng kaliwanagan at nasagot ang mga katanungan ng mga mga municipal at city agriculture officer sa Farmers and Fisherfolk Registration System, Registry System for Basic Sectors in Agriculture, at iba pang programa ng kagawaran. (PIA 3)