Halos daan-daang mga Kabalen ang nakatanggap ng libreng serbisyong medical tulong ng “Alagang Nanay Preventive Healthcare Mission” ng Kapitolyo sa pamumuno ni Governor Dennis “Delta” Pineda nitong katapusan ng Linggo.
Personal na tinutukan ni Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda at 2nd District Board Member Mylyn Pineda Cayabyab ang nasabing medical mission na nagbigay ng libreng konsultasyon at gamot sa mga Kabalen na may karamdaman.
Katulong din ang mga kawani mula sa Provincial Health Office (PHO), mga doktor at nurses na mula sa District Hospitals sa Pampanga. (Pampanga PIO)