Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Delta kinilala ng Korean Community

Delta kinilala ng Korean Community
Ginawaran ng plaque of appreciation si Governor Dennis “Delta” Pineda ng Korean Community Association in Central Luzon.
Bilang pasasalamat sa pagtulong ng gobernador sa mga Koreano sa lalawigan lalo na sa kasagsagan ng pandemya, namahagi ang asosasyon sa pangunguna ni President Lee Chang Hong ng P 735,000.00 na donasyon sa kapitolyo.
Kasama ni Governor Pineda sa turn-over ceremony sina Special Assistant to the Governor Angelina Blanco, Provincial Administrator Atty. Charlie Chua, 2nd district Board Member Olga Frances “Fritzie” David-Dizon at Covid Vaccination Central Command Deputy Malu Lacson.
Inilaan naman ng gobernador sa budget ng COVID-19 supplies at gamot sa barangay ang iniabot na tulong ng Korean Community.
Mga larawang kuha ni Jun Jaso/ Pampanga PIO

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *