Delta namahagi ng tulong sa mga PWD
Namahagi ng personal na tulong ang pamilyang Pineda sa mga PWD mula apat na distrito ng Pampanga.
Pinangunahan nina Governor Dennis “Delta” Pineda, Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, at mga Board Memebers ang distribusyon ng ayuda sa mahigit 2,800 na PWD sa Bren Z Guiao Convention Center.
Nangako ang pamilyang pineda na patuloy ang ibibigay nilang suporta para sa nasabing sektor lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Bawat beneficiary ay nakatanggap ng tulong pinansyal, mga delata, hotdog, at 25kg ng bigas.
: Jay Balingit / Pampanga PIO