Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Delta, nanumpa na bilang ama ng lalawigan ng Pampanga

Delta, nanumpa na bilang ama ng lalawigan ng Pampanga

Pormal nang nanumpa para sa kanyang katungkulan bilang Gobernador sa ikalawang pagkakataon si Governor Dennis “Delta” Pineda sa naganap na oath taking ceremony sa Sangguniang Panlalawigan session hall.

Simple at naging makabuluhan ang naging seremonya na dinaluhan ng ilang mga opisyales sa lalawigan at mga empleyado ng Kapitolyo.

Ayon kay Governor Delta, mas pinili niyang manumpa sa harap ng kanyang inang si Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda na naging inspirasyon at sandalan niya simula noong manungkulan siya bilang isang public servant.

Siniguro ni Governor Delta sa mga Kapampangan na patuloy lang ang mga serbisyong ibibigay ng Kapitolyo para sa mga programa at proyektong nakatuon sa kalusugan, edukasyon, agrikultura, at hanapbuhay, para matulungan ang mga Kapampangan sa muli nilang pagbangon mula sa epekto ng pandemya.

Ipinangako rin ng Gobernador na sa kanyang ikalawang termino, mas ilalapit pa niya ang mga serbisyo ng Kapitolyo sa mga Barangay para masiguro na walang Kapampangan ang mapag-iiwanan sa ilalim ng kanyang administration.

Bukod kay Governor Delta, nanumpa rin sa katungkulan sina Arayat Mayor-elect Maria Lourdes Alejandrino at Vice Mayor-elect Emmanuel Alejandrino. (Pampanga PIO)

Tags

Share this post:

Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Posts