Ang Provincial Capitol ay nagbigay ng tulong pinansyal para sa mga scholars na kabataang Aeta noong Miyerkules, Setyembre 21, sa Lubao Gym.

Pinangunahan ni Vice-Governor Lilia “Nanay” Pineda ang pamamahagi ng mga tseke sa mga kabataang Aeta, kasama sina Lubao Mayor Esmie Pineda, Second District Board Members Mylyn Pineda-Cayabyab, Olga Frances “Fritzie” David-Dizon at Sajid Khan Eusoof para sa maayos na distribution.




Tumanggap ng halagang Php2,500 ang 1,061 na kabataang Aeta na naka-enroll sa high school at tig-Php5,000 naman ang 69 college students. Ang mga umuupa ng dormitoryo ay may dagdag na halagang Php5,000.

Maraming kabataang Aeta ang nakakapag-aral at nakakatapos ng kolehiyo simula ng maging gobernador si Nanay noong 2010. Ang mga kabataang Aeta ay kasama sa mahigit na 14,500 na Capitol scholars.

“Itinutuloy ko po ito dahil naniniwala po ako na ang edukasyon ang tutulong na magpapalaya sa kanila sa diskriminasyon at kahirapan,” ani Governor Dennis “Delta” Pineda. (Gov. Delta FB Page)