Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

DICT nagbigay tulong sa Provincial Library ng Pampanga- The Voice Newsweekly

Nagbigay ng mga kagamitan ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Region 3 sa Pampanga Provincial Library bilang suporta sa pagkakatatag nito bilang Tech4ED Center.

Ang Tech4ED ay kumakatawan sa ‘Technology for Education, to gain Employment, train Entrepreneurs towards Economic Development.’

Isinagawa ang turnover sa Benigno Aquino Hall noong Disyembre 16, kung saan personal na tinanggap ng mga kawani mula sa Provincial Library na sina Rodolfo Pineda, Abigail Chung, at Aryl Gel Gopez ang tatlong (3) laptop, isang (1) printer, 1 router, 1 CCTV camera, 3 headsets, 3 security cable lock, at 3 licensed Microsoft Office Home and Student 2021 mula kay Edriel Miranda, provincial head ng DICT-Pampanga.

Layunin ng proyekto ang makapagbigay ng oportunidad sa mga mamamayan na makapag-aral, makapag-simula ng negosyo, at makapagtrabaho sa pamamagitan ng ICT, o pagbibigay sa mga ito ng access sa ‘digital opportunities.’ (Pampanga PIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *