Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Drone seeding, ipinakilala sa Nueva Ecija

Drone seeding, ipinakilala sa Nueva Ecija

Nasaksihan ng mga ka-PALAY mula sa Talavera at Science City of Muñoz, Nueva Ecija ang pagsasabog-tanim gamit ang makabagong agricultural drone o “drone seeding” sa ginanap na AgriKapihan nitong June 23 sa FutureRice Farm .

Ayon kay AgriDom Operations Manager Remus Tancontian, kayang tapusin ng agricultural drone ang pagsabog-binhi sa isang ektarya sa loob ng 30 minuto.

Sa pamamagitan din nito, pantay ang distribusyon ng binhi sa pinitak at tyak na 40kg lamang ang magagamit na binhi kada ektarya.

Makakatipid din ng hanggang P3,090 kada ektarya sa paggamit ng teknolohiyang ito na may kaparehas na kakayahang umani gaya ng manual broadcasting. Pwede ring gamitin ang drone sa pag-aabono. (DA-PhilRice)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *