Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

FPGMA nanumpa bilang Kongresista ng Segunda Distrito ng Pampanga

FPGMA nanumpa bilang Kongresista ng Segunda Distrito ng Pampanga

Nagsadya sa Lubao Central School sa Pampanga ang mga taga-suporta ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa kanyang oath-taking ceremony bilang congresswoman sa ikalawang distrito ng Pampanga.

Nanumpa na kasi kahapon si Arroyo bilang representante ng ikalawang distrito ng Pampanga kapalit ng anak na si Juan Miguel Mikey Arroyo.

Kasama rin ni Congresswoman Arroyo sa okasyon ang pamilya nito, mga kaibigan—tulad ni Vice Governor Lilia “Nanay” Pineda, at iba pang mga kongresista at alkalde sa buong lalawigan.

Kabilang sa mga dumalo at nagpakita ng suporta sa dating presidente ay si Vice President-elect at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Para sa kanya, nagsisilbing inspirasyon si Congresswoman Arroyo sa maraming public servant na kagaya niya. (Pampanga PIO)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *