Nag-inspeksyon ngayong Biyernes, Enero 21, si Pampanga Governor Dennis ‘Delta’ Pineda sa gusali na gagamitin bilang Renal Care and Dialysis Center ng Pampanga provincial government dito sa Diosdado P. Macapagal Memorial Provincial Hospital sa Guagua.
Ayon kay Gov. Delta, sa pamamagitan ng request nila ni Vice Governor Nanay at mga Board Members ay ipinatayo ito umano ng DPWH ang Renal Care and Dialysis Center ng Pampanga, gamit ang pondo ni Anakalusugan Party List Rep. Michael Defensor.
“For turnover na po ito sa atin at lalagyan ko po ng 43 hemodialysis machines.”
Sambit pa ni Gov. Delta, “Malambat na ne pong paninap Nanay ing atin tamu dialysis centers bang mas dakal ta asopan a kabalen tamu. Tatlo pa pong centers sa first, third at fourth districts ang ating ipatatayo para mas malapit sa mga kabalen natin.”
Ibinahagi ni Gov. Delta na “Nito pong 2021 ay tinulungan ng Capitol ang mahigit 1,500 dialysis patients na ubos na ang PhilHealth- sponsored dialysis sessions at health care benefits. Katuwang po natin ang ilang private dialysis centers at hospitals.”