Groundbreaking ceremony para sa bagong palengke ng Pilar Bataan ginanap
Ginanap ang groundbreaking ceremony para sa itatayong makabagong palengke sa bayan ng Pilar, Bataan noong Marso 15, 2022.
Matatandaang isa sa mga problemang kinaharap noong pasimula ng pandemya at maging sa kasalukuyan ay ang limitadong pagpapapasok sa mga mamimili sa mga palengke sa iba’t ibang bayan.
Ang mga mamamayan sa bayan ng Pilar ay lubhang naapektuhan sa nasabing sitwasyon.
Sa pagtutulungan nina Mayor Charlie Pizarro, Vice Governor Cris Garcia, Congressman Joet Garcia, at ang mga pam-publiko at pribadong ahensya, maisasakatuparan na ang pagtatayo ng isang makabagong palengke na mas malinis at mas maginhawang puntahan ng mga mamimimili.
Ayon kay gobernador hindi na kailangan pang dumayo ang mga mamamayan ng Pilar sa ibang bayan upang bilhin ang kanilang mga pang araw-araw na pangangailangan.
Isa lamang ito sa mga programa at proyektong ni Gobernador Abet Garcia na ang layon ay mas makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo at maitaas ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilyang Bataeno. (Gob. Abet Garcia FB page)