Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Groundbreaking para Infectious Disease / Ortho and Trauma building ng JBLMGH

Groundbreaking para Infectious Disease/Ortho and Trauma building ng JBLMGH

Nagsagawa ng groundbreaking ceremony para sa itatayong Infectious Disease Building at Orthopaedics and Trauma Ward Building sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital (JBLMGH).

Ayon kay Dr. Monserrat Chichioco, JBLMGH chief, pinondohan ng Asian Development Bank (ADB) ang konstruksyon ng naturang Infectious Disease Building na nagkakahalaga ng P134-milyon, samantalang galing naman sa Department of Health (DOH) Health Facilities Enhancement Program ang pondong gagamitin sa pagpapatayo sa P320-milyong halaga ng Orthopaedics and Trauma Ward Building.

Nagpasalamat si Dr Chichioco para sa tulong at suporta na patuloy na ibinibigay nina Governor Dennis “Delta” Pineda at Vice Governor Lilia “Nanay Baby” Pineda sa mga proyekto at programa ng JBLMGH.

Aniya, hindi magiging posible ang pagpapatayo ng mga bagong pasilidad kung wala ang 2.2 ektaryang lupang ipinahiram ng pamahalaang panlalawigan ng Pampanga sa ospital sa pamamagitan ng isang usufruct agreement.

“Ako ay nagpapasalamat dahil formally ay naipagkaloob sa amin ang lupa na ito nang walang bayad through the usufruct agreement, ito ay naisakatuparan lang nang umupo ang mga Pineda,” ani Dr. Chichioco.

Dumalo rin sa seremonya sina DOH Secretary Francisco Duque, III, Vice Governor Nanay Baby, ADB Representative Dr. Eduardo Banzon, at iba pang national at local officials.

“Hindi ko po makakalimutan ito, lalo na ni Governor Dennis Pineda, hindi po namin malilimutan ang inyong malaking tulong para sa Pampanga. Maraming salamat po,” ani Vice Governor Nanay Baby sa mga opisyal na tumulong para maisakatuparan ang proyekto.

May kakayahang makapag-akomoda ng hanggang anim na pung (60) pasyente ang naturang infectious disease building at hanggang isang daan limampung (150) pasyente naman ang orthopaedics and trauma ward building.

“Malaking tulong po sa inyo ito, aking pong mga kababayan dito sa Pampanga. Ito ay para mapaunlad pang lalo ang de-kalidad na serbisyong pangkalusugan na ipinamamalas sa ating mga kababayan dito,” ani Health Sec. Duque.Inaasahang matatapos ang konstruksyon ng mga gusali sa loob ng tatlong (3) taon. (Pampanga PIO)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *