May kabuuang 1,180 persons deprived of liberty o PDL sa Bulacan Provincial Jail o BPJ ang tumanggap ng booster shot bilang dagdag proteksyon laban sa COVID-19.
Sa datos ng Provincial Health Office o PHO, 755 sa mga PDL ang nabakunahan nitong Sabado habang 425 naman ang noong Lunes.
Target ng PHO na mabakunahan ang mga kabuuang 1,800 PDLs sa BPJ.
Ayon kay Gobernador Daniel Fernando, karapatan ng bawat isa sa lalawigan maging ang mga nasa piitan na mabigyan ng proteksyon laban sa banta ng COVID-19.
Patuloy anyang pagsusumikapan ng pamahalaan panlalawigan na maproteksyunan ang lahat ng mga Bulakenyo sa pamamagitan ng pinaigting na vaccination program kaya patuloy ang kanilang mobile vaccination at booster roll-out.
Bukod sa bakuna, nagkaloob rin ng 1,700 piraso ng hygiene kit at 40 piraso ng cleaning kits sa BPJ. (PIA 3)