Ipinagbabawal ang Pag-imprenta ng mga Imahe ng Philippine Banknotes
Alinsunod sa BSP Circular No. 829, Series of 2014, ang pag-imprenta ng imahe ng anumang legal tender Philippine banknotes, o anumang bahagi ng isa, ito man ay black and white, may kulay, o kumbinasyon ng mga kulay, nang walang awtoridad o pahintulot mula sa BSP, ay maaaring makulong ng lima hanggang 10 taon.
Inilabas ang paalala na ito matapos arestuhin ng National Bureau of Investigation, kasama ang BSP Payments and Currency Investigation Group (PCIG), ang isang indibidwal na pinaghihinalaang nagbebenta ng pera o cash envelope gamit ang imahe at disenyo ng 1000-Piso New Generation Currency na perang papel.
(PIA TARLAC) (BSP)