Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Kapulisan sa Bulacan, may bagong hepe

Naupo na si PCol. Charlie Cabradilla bilang Acting Provincial Director ng kapulisan sa Bulacan.

Sa kanyang unang command conference, sinabi nitong ipagpapatuloy niya ang paglaban sa illegal na droga at kriminalidad.

Naupo na si PCol. Charlie Cabradilla (gitna) bilang Acting Provincial Director ng kapulisan sa Bulacan. (PNP Bulacan)

Tiniyak niya na sa kanyang pamumuno ay magiging maayos ang pagdaraos ng Halalan sa Bulacan.

Pinalalahan din niya ang mga kapulisan sa ilalim ng kanyang hanay na maging neutral.

Bago ang pagtatalaga, si Cabradilla ay nagsilbing hepe sa bayan ng Bocaue at lungsod ng San Jose del Monte.

Siya din ay nagsilbing Deputy Provincial Director ng Pulis Bulacan noong 2016. (PIA 3)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *