Nasa 97 kapulisan sa Zambales ang lumahok sa Local Absentee Voting o LAV.
Sila ay bumoto sa Covered Court ng Police Provincial Office sa Camp Yap sa bayan ng Iba.
Ayon kay Police Provincial Director PCol. Fitz Macariola, ito ay katumbas ng 100 porsyento sa mga nag-avail sa LAV.

Sa ilalim ng LAV, sila ay pinahihintulutang bumoto sa mga lugar kung saan hindi sila rehistradong mga botante ngunit kung saan sila ay pansamantalang itinalaga upang gampanan ang mga tungkulin sa araw ng halalan.
Silang ay pinahihintultan lamang bumoto ng mga national na posisyon kabilang ang Pangulong, Pangalawang Pangulo, Senador at Partylist.
Maari ding mag-avail sa LAV ang mga kasundaluhan, guro, iba pang kawani ng pamahalaan at media na may duty sa halalan. (PIA 3)