Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Kaso ng COVID-19 sa Bulacan patuloy ang pagbaba

Patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Bulacan.

Bulacan Governor Daniel Fernando

Ayon sa Provincial Public Health Office o PPHO, nakaranas ng magkakasunod na araw ng pagbaba ng aktibong kaso ang lalawigan hanggang kahapon.

Sa tala ng tanggapan, mula sa 1,924 active cases nong Setyembre 28 bumaba ito sa 1,728 noong Biyernes Oktubre 1 sinundan ng 1,540 noong Oktubre 2, 1,406 naman ng Oktubre 3 araw ng Linggo at kahapon Oktubre 4 ay 1,356 na lamang.

Nagresulta rin ito ng pagtaas ng recovery rate na umabot na sa 96 porsyento o may bilang na 69,722 na gumaling at naka-recover.

Sa datos pa ng PPHO, 305 lamang sa 1,356 ang naka-admit sa mga hospital, 273 at nasa Temporary Treatment and Monitoring Facilities samantalang 778 ay naka home isolation o quarantine.

Sa kabuuan, nasa 72,394 ang naging kaso ng COVID-19 sa buong probinsya.

Bagamat patuloy ang pagkonti ng bilang ng kaso ng COVID-19, hinikayat pa rin ni Gobernador Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na magpabakuna na tanging panlaban sa nasabing virus.

Hiniling din ng punong lalawigan sa kapulisan na patuloy na paalalahanan ang publiko na sumunod sa minimum public health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask, shields, paggamit ng alcohol, palagiang paghuhugas ng kamay at practice ang social distancing.

Samantala, nasa 749,375 Bulakenyo na ang nabakunahan ng unang dose habang 651,418 naman ang fully vaccinated na. (PIA 3)

Share this post:

Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Posts