Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Kauna-unahang 8-car train ng PNR ininspeksyon

Kauna-unahang 8-car train ng PNR ininspeksyon
Pinangunahan ni Transportation Secretary Art Tugade ang inspeksyon sa kauna-unahang 8-car train set ng PNR Clark Phase 1 Project sa Malanday Depot, Valenzuela City.
Kasama ang mga ibang opisyal ng DOTr, ininspeksyon ni Tugade ang bagong tren na kung saan sinubukan nila ang ilang kagamitan mula sa driver’s cab, partikular ang sa CCTV screen, Braking Controller at busina nito.
Kanila ding sinuri ang air conditioning system, passenger information display, upuan, handles, luggage rack at iba pang features sa bagong tren.
Ang ginanap na inspeksyon ay bilang paghahanda sa isasagawang unveiling ceremony ni Pangulong Duterte sa susunod na buwan.
Ang 8-car Train Set na nasa bansa ay may habang 160 metro — pinakamahabang Electric Multiple Unit train set sa kasaysayan ng Pilipinas.
Nakatakda ring dumating sa bansa ngayong taon ang karagdagan pang 12 8-car commuter train sets na siyang gagamitin para sa North-South Commuter Railway Project (NSCR).
Ang mga ito ay binili ng DOTr at PNR mula sa Japan Transport Engineering Company at Sumitomo Corporation.
58 train sets ang inaasahang tatakbo sa kabuuan ng NSCR System mula Clark International Airport hanggang sa Calamba, Laguna.
Sa tulong ng Japan International Cooperation Agency at Asian Development Bank, nasa full swing na ang konstruksyon ng PNR Clark Phase 1 (Tutuban-Malolos; 38 km) at PNR Clark Phase 2 (Malolos-Clark; 53 km).
Oras na matapos ang PNR Clark Phase 1, magiging 35 minuto na lamang ang travel time mula Tutuban, Manila patungong Malolos, Bulacan mula sa kasalukuyang 1.5 oras. (PIA Gitnang Luzon)(Photo: DOTr)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *