Delta, binisita ang DHVSU-Apalit konstruksyon
Binisita nina Governor Dennis “Delta” Pineda, Apalit Mayor Jun Tetangco, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang konstruksyon ng ginagawang Don Honoria Ventura State University (DHVSU)satellite campus sa bayan.

Ito ang kauna-unahang unibersidad sa Apalit kaya ipinagmamalaki ito bilang isang milestone sa 4th District ng Pampanga.

Matatandaan noong 2019, pumirma ng memorandum of agreement sa pagitan ng DHVSU, LGU ng Apalit at Candaba, at provincial government ng Pampanga para sa pagtatayo ng satellite campuses sa mga nasabing bayan.

Naglaan ang LGU ng Apalit ng P4 M para sa personnel and operational expenses ng unibersidad, nangako rin ng P25 M ang pamahalaang panlalawigan ng Pampanga para naman sa konstruksyon ng mga gusali.
Samantala idinonate naman nina Mayor Tetangco at ng kanyang asawa ang lupa na pagtatayuan ng nasabing unibersidad.
Sa oras na matapos ito, magbubukas ang DHVSU Apalit ng mga courses tulad ng engineering, Architechture, Real Estate management, logistics, business administration, at iba pa para masiguro ang magandang kinabukasan sa mga kabataang Kapampangan.
