“Paparating na si Kuya, mga Kapuso.”
Ito ang caption ng teaser na inilabas ng GMA News and Public Affairs nitong nakaraang Miyerkules, ika-29 ng Setyembre 2021.
Kahit malabo ang mukha sa ginamit na litrato ay hindi maikakailang si Kim Atienza ang “Kuya” na binabanggit ng news department ng GMA-7.
Dahil sa mga kumakalat na post sa social media, nag-live si Atienza kagabi sa kanyang Facebook, Youtube at “Kwentuhan with Kuya” para sabihin sa kanyang mga viewers na siya ay dumadaan sa isang “transition”.
“Remember, a couple of weeks ago, I told you to pray for me because I am in a transition,” ani Atienza.
“Transition. What does transition mean? Transition is moving from point A to point B. This is what I can say: the transition is real,” wika niya.
“I cannot tell you any specifics, any specific as to what transition, to where, and the details. But I would highly suggest that you watch me on TV Patrol this coming Friday. It will be a very historical day for me on “TV Patrol” on Friday,” aniya sa kanyang mga viewers.
“You know, I’ve been gifted by the Lord with signs whenever I pray for signs, whenever I have to make a big decision. I pray for signs, and the signs have been so clear whenever it’s His will. Whenever it’s His will, the signs are so clear in the decision I make.”
Nakatakdang pormal na magpaalam sa October 1, Friday episode ng TV Patrol si Atienza.
Aniya: “I am sure that after I make the announcement, there may be haters, there may be people who will not follow me anymore or will not subscribe to me. I’ll be hearing a lot of negative comments. But that’s okay. People are entitled to feel the way that they want to feel, especially now that people are frustrated because of what’s happening in our society,” dagdag pa niya.
Si Kim Atienza, 54, ay anak ng dating mayor na si Lito Atienza. Siya ay weather man sa TV Patrol ng segment na “Weather-Weather Lang”. Siya rin ang host ng Matang Lawin sa ABS-CBN.
Siya ay naging konsehal ng 5th District ng Manynila ng tatlong termino. Siya ay kilala sa kanyang mga sikat na trivia, sa TV at radio at segment na siya ay naging eksklusibong artist ng ABS-CBN ng l6 taon.
Mapapanood sa 24 Oras simula sa October 4 si Kim Atienza, pero malamang na bagong segment ang ibibigay sa kanya. (Photos from GMA News and Google)