Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Labung’s Malabung Workers party-list nagsimula ng mangampanya sa Pampanga

Labung’s Malabung Workers party-list nagsimula ng mangampanya sa Pampanga

Gusto ko maging malabong po talaga ang lahat. Ang lahat-lahat. Hindi lang ang buhay ng tao, kundi ang kabuhayan ng lahat ng Pilipino dito sa Pilipinas – Engr. Dinan Labung, 1st nominee, MALABUNG WORKERS PARTYLIST.

Sa pagsisimula ng kampanya para sa mga pambansang kandidato ngayong araw, gumawa ng eksena ang Malabung Worker’s Partylist sa mismong probinsya nito sa Pampanga.

Daan-daang sasakyan ang nakiisa at nagpakita ng suporta sa isinagawang motorcade sa kahabaan ng Jose Abad Santos, mula Brgy Prado Siongco sa Lubao, hanggang sa Brgy Dolores sa lungsod ng San Fernando, Pampanga kaninang 7:30 ng umaga, 8 ng Pebrero 2022.

Ipinagmamalaking anak ng Pampanga ang 1st nominee nitong si incumbent Pampanga 3rd District Board Member Engr. Dinand Labung, na siya ring kasalukuyang Presidente ng Provincial Board Members League of the Philippines, at Treasurer ng Union of the Local Authorities of the Philippines (ULAP).

Umabot man ng halos dalawang kilometro ang haba ang motorcade na umikot sa buong lalawigan, hindi naman ito nakapagdulot ng anumang aberya o traffic sa daan.

“Masayang-masaya po ako hindi ko alam bakit ganito kadami ang mga kababayan na sumuporta galing pa sa malalayong lugar.

Galing pa sa Manila yung mga Kapampangan. Galing pa sa iba’t-ibang probinsya at ano para lang suportahan ako. Kailangan ko ang kanilang antabay para magawa po namin ang ating hinahangad na maipakita natin na kaya nating makapunta doon.

Nagrerepresent po ako ng worker’s sector,” ani Labung.

Siniguro ring nasunod ang minimum health and safety protocols lalo pa may banta pa rin ng COVID-19.

Kaya bawat sasakyan limitado lang ang sakay. Kumuha riin ng mga kaukulang permit sa bawat munisipalidad na dinaan alinsunod sa guides ng COMELEC.

Dagdag pa ni Labung, ang tagumpay ng motorcade ay sumisimbulo ng mithiin niyang maipagbuklod ang bawat sektor ng manggagawang Pilipino para gawing mayabong ang buhay ng bawat isa.

Kasunod nito, maiiwasan ang patayan, nakawan, at paggawa ng mga illegal na gawaing dala ng kahirapan. “Alam niyo po ang malabung ay word na Kapampangan.

Ang malabung po ang ibig sabihin sa tagalog ay mayabong. Sa English, abundance.

Sa tagalog, pwedeng masagana, malago. Isa po ako sa taga- Pampanga, anak ng Pampanga na gustong maglingkod pumunta sa kongreso para makatulong kaya naisip ko pong mag-partylist at malabung po ang napili ko.

Gusto ko maging malabong po talaga ang lahat.

Ang lahat-lahat. Hindi lang ang buhay ng tao, kundi ang kabuhayan ng lahat ng Pilipino dito sa Pilipinas,” sabi ni Labung.

Nais ng Malabung Worker’s Partylist na pagtibayin ang mga mahihinang batas tulad ng minimum wage law para sa mga mahihirap na manggagawa na tigil sa pagkayod para sa kanilang mga pamilya.

Naniwala rin ang Malabung Worker’s Partylist na tungkulin ng gobyerno na magbigay ng edukasyon para sa lahat.

Kaya prayoridad ng partylist na umagapay at makapagbigay ng free and sustainable education sa lahat … mayaman man o mahirap.

“Sobrang nararamdaman ko. Ang pinagdaanan ko kasi, ako ay naging working student para makita ko po ang magandang bukas.

Nagtrabaho po ako, nagworking student po ako at ngayon po sa tulong ng Panginoon ganito na po ang buhay natin wala na po akong iniisip Panginoon kaya po ang kirot na aking nakikita kaya hindi po sumusulong ang Pilipinas ay dahil po ang mga batas po ay mahihina lalo na po sa mga nagtratrabaho.

At yung mga bata po kailangang mag-aral kahit anak mahirap. Para po kapag nakapag-aral sabi ko nga, susulong ang Pilipinas,” wika ni Labung.

Nangako naman si Labung na kung papalaring makaupo sa kongreso, uunahin niya ang kapakanan ng mga Kapampangan.

“Bilang pong Kapampangan, lahat po ng makukuha ko halos syempre dito po ako sa Pampanga. Yung mga medical assistance at lahat makikinabang po ang Pampanga. Lahat po ng mga programa para po iskolars, mga educational assistance halos makikinabang po Pampanga,” pangako ni Labung.

Ang Malabung Worker’s Partylist, number 34 sa balota! Ang magpapalabong sa buhay ng mga manggagawa, handa nang magserbisyo para sa mga obrerong Pilipino. (Malabung Partylist PR)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *