Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Lovi Poe, Kapamilya na!


Inanunsiyo ng ABS-CBN, sa kanilang Twitter account, ngayong Huwebes, Setyembre 16, na ang aktres na si Lovi Poe ay isa nang “Kapamilya.”

“Lovi Poe is now officially a Kapamilya,” ABS-CBN tweeted.

Ginanap ngayon Huwebes (Setyember 16) ay contract signing ceremony ni Lovi. Siya ay pinaunlakan ng “red carpet welcome” ng ABS-CBN na pinangunahan ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak; COO of Broadcast Cory Vidanes; group CFO Rick Tan; at Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal. Ang talent manager ni Lovi na si Leo Dominguez ay kasama rin sa contract signing ceremony.

(Photos from ABS-CBN)

Inaabangan ngayon ang bagong proyekto ni Lovi, isang teleserye na remake ng K-drama na Flower of Evil na gagawin ng ABS-CBN para sa tambalan nila ni Piolo Pascual.

Si Lovi Poe ay “Kapuso” star ng mahigit 15 taon. Marami din siyang teleserye na pinagbidahan tulad ng Bakekang, Yesterday’s Bride at ang Dalawang Mrs. Real. Ang kanyang huling proyekto ay ang romantic comedy series na “Owe My Love”, na lumabas noong Pebrero hanggang Hunyo 2021.

Naging matagumpay si Lovi sa kanyang mga proyekto. Nanalo na rin siya ng maraming karangalan at tropeo sa FAMAS Awards at CINEMALAYA Independent Film Festival. Siya rin ay isang style icon, modelo at naging cover ng ibat-ibang mga magazine dito at sa ibang bansa.

Isa ring siyang sikat na brand endorser, recording artist, at may 11 milyon na followers sa kanyang social media.

Naging nominado rin siya bilang Best Actress sa Gawad Urian sa unang proyekto na kanyang pinagbidahan sa ABS-CBN sa 2020 iWant TFC orihinal na pelikula na “Malaya”.

Maliban sa pagpasok niya ng bagong karera bilang Kapamilya, si Lovi ay may mga proyekto din sa ibang bansa at nais niyang seryosohin ang Hollywood.

Sa taong ito, si Lovi ay ilo-launch sa USA bilang recording artist sa paglalabas ng Los Angeles-based VIM Entertainment ng kanyang mga orihinal na kanta tulad ng “Candy,” “Lost,” at “Under”. Siya rin ay maglalabas ng EP kung saan makakasama niya ang mga American producers na sina Bob Robinson, KrisKeyz, at ang Grammy winner Omen na inaabangan ngayon.

Naging maugong ang kanyang paglipat sa ABS-CBN dahil sa “expiriation” ng kanyang kontrata noong 2020. Marami ang nagtanong sa kanya at sinasagot lamang ni Lovi na “under negotiation” pa.

Ayon sa kanya: “I think it’s best to keep it private because I don’t want to be… I want to respect both networks.” ng tanungin siya sa isang media conference para sa kanyang pelikulang “The Other Wife” noong Hulyo. At nabanggit din niya na “To grow as an artist, I don’t think you’re supposed to box or keep yourself like just doing the same or working with the same people over and over again.”

Si Lovi, 32, ay anak ng yumaong “The King” na si Fernando Poe, Jr. Siya ay isang multi-talented artist at showbiz royalty. Siya ay bibida sa “The Chelsea Cowboy”, isang internasyunal na pelikula sa Hollywood kasama ang British stars na sina Alex Pettyfer and Poppy Delevingne kung saan siya gaganap bilang English singer.

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *