Search
Close this search box.
Search
Close this search box.

Maaari nang makapag-renew ng 10-year Driver’s License

Maaari nang makapag-renew ng 10-year Driver’s License
Uumpisahan nang ipatupad ng LTO ang probisyon ng Republic Act (RA) 10930 tungkol sa pagre-renew ng Driver’s License sa ika-28 Oktubre 2021 sa Central Office-Licensing Section at Quezon City Licensing Center (QCLC).
Susundan ito sa iba pang mga opisina sa National Capital Region sa ika-3 Nobyembre 2021.
Alinsunod sa RA 10930, na nag-uutos ng pagpapahaba sa bisa ng mga lisensya, maaari nang makapag-renew ng 10-year Driver’s License ang mga walang traffic violation record. Samantala, mananatili sa 5-year Driver’s License ang mga aplikante na may traffic violation record.
Ang lahat ng magre-renew ay kailangang dumaan sa Comprehensive Driver’s Education (CDE) upang matanggap nila ang kanilang CDE Certificate.
Ang CDE materials ay makukuha sa LTO Portal (portal.lto.gov.ph), sa mga LTO offices, at sa mga LTO-Accredited Driving Schools.
Libre ang pagsailalim sa CDE sa mga LTO Driver’s Education Centers at sa LTO Portal. Kaya naman inaanyayahan ang lahat ng kliyente ng LTO na mag-rehistro at lumahok sa Land Transportation Management System (LTMS) sa LTO Portal.
Para sa mga kliyenteng nasa labas ng NCR, antabayanan ang mga susunod na anunsyo ng LTO ukol dito. (Land Transportation Office-Philippines)

Tags

Share this post:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *